P. Duterte, Gustong Maging Presidente Si General Bato Sa 2022?
Sa pagbisita ni Presidente Rodrigo Duterte sa Brunei, binanggit niya sa harapan ng Filipino Community doon na baka ikonsidera niya si Philippine National Police Chief General Ronald "Bato" Dela Rosa para sa pagiging presidente sa 2022.
Pinayuhan naman ni Pangulong Duterte si PNP Chief Bato na huwag gayahin ang istilo niya kung sakaling maupo ito bilang Presidente.
“Wag mo kunin yung istilo ko, hindi mo pa panahon. Pagkatapos ko, tumakbo ka, back-apan kita. Sigurado mananalo iyan (Do not take my style, it’s not your time yet. You run when I finish my term and I will back you up. Surely he will win),” pahayag ni Presidente Duterte.
Si General Bato ay naging malapit kay Pangulong Duterte noong Mayor pa lamang si Duterte sa Davao City. Mahigit 23 taon na ang tagal ng pagiging makaibigan ng dalawa. Marami na rin pinagdaanang crisis situation si General Bato. Isa dito ay ang pagsagip sa isang kidnap victim na mula sa Quezon City at dinala pa sa isang bangko sa Davao City. Napatay ang mga kidnappers sa isinagawang rescue operation.
Pinapangunahan ngayon ni PNP Chief Bato ang matagumpay na Oplan Tokhang sa buong bansa. Mahigit 700,000 na ang napapasukong mga durugista at mahigit 1000 na rin ang napapatay.
P. Duterte, Gustong Maging Presidente Si General Bato Sa 2022?
Reviewed by TrendingPH
on
9:19:00 PM
Rating:
Reviewed by TrendingPH
on
9:19:00 PM
Rating:

No comments: